As usual, sila na. Sila na naman daw ang agrabyado. Kung laging ganyan eh walang mangyayari sa’yo n’yan. Kung sino pang unang nasaktan, siya pa ‘tong lalabas na masama. Lagi mo na lamang ba silang hahayaan para makaiwas sa gulo. Lagi na lamang ba silang pagbibigyan? Patuloy ka na lamang bang mananahimik? Mamumuhay na parang pipi? Titiisin mo na lamang ba ang sakit kahit naaapakan na ang sarili mong paa? Hihintayin mo ba hanggang sa mamatay ang iyong mga kuko? Ikaw ba ang kelangang humingi ng paunmanhin? Ikaw ba?
You Are Entitled To Your Own Opinion ( Mga Kuro-kuro sa Wikang Filipino)